Napapanahong Isyu
(Kahirapan)
Ang kahirapan ay isa sa malaking problema ng bansa. Dati pa itong isyu ngunit hindi pa rin nalulutas ng gobyerno. Pero hindi lamang ang mga namamahala ang may kasalanan kung bakit hindi nalulutas ang isyung ito, tayo ring mga Pilipino. Marami sa atin ang mayayaman pero hindi man lang sila tumulong sa ganitong sitwasyon. Mas iniisip pa nila ang mga sarili nila habang may mga taong walang makain at nanlilimos kung saan-saan. Kakulangan sa pagtutulungan ay isa sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay marami pa ring mahihirap.
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan
ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan
upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan
ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o
mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang
lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong
mundo. Ang suplay ng mga basikong pangangailangan ay maaaring
malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon,
ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa
pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at
pangkalausugan.
Ayon sa United Nations,
ang kahirapan ang pagtanggi sa mga pagpipilian at oportunidad na isang
paglabag sa dignidad na pantao. Ito ay nangangahulugang kawalan ng
basikong kapasidad na epektibong makilahok sa lipunan. Ito ay
nangangahulugang kawalang kasapatan na mapakain o madamitan ang isang
pamilya, hindi pagkakaroon ng mapupuntahang paaralan o klinika at hindi
pagkakaroon ng lupain na pagtataniman ng pagkain o kawalang trabaho
upang mabuhay at kawalang paglapit sa kredito.
Ito ay nangangahulugang kawalang kaseguruhan, kawalang kapangyarihan at
hindi pagsasama ng mga indibidwal, mga sambahayan at mga pamayanan. Ito
ay nangangahulugang pagiging marupok sa karahasan at kadalasang
nagpapahiwatig ng pagtira sa mababa o marupok na mga kapaligiran nang
walang malinis na tubig at sanitasyon.
Para sa akin, lahat ng tao ay magtulungan na umunti ang mahihirap sa ating bansa o kaya magtayo ng mga gusali na pwede nilang pagkakitaan. Kung titingnan natin, marami sa kanila ang hindi malulusog dahil sa walang makain, hindi nakakapag-aral dahil wala silang sapat na pera na pwedeng magdulot sa walang kaalaman, iba sa kanila ay walang mga sariling bahay, at karahasan. Saan ba napupunta ang mga pera? Sa mga walang kwentang bagay, di ba? Kung ito ay pinapang-tulong na lamang, mas lalago ang ating ekonomiya at uunti ang porsyento ng mga mahihirap. Ako ay nalulungkot para sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento